Paper Tumblr Themes

Text Post Wed, May. 23, 2012 3 notes

Hanggang ngayon wala akong anumang bagay na pinagsisisihan. Kung maibabalik man ng nakalipas na panahon, wala pa ring magbabago sa aking pagpapasya. Pero may isang bagay na pinagsisihan ko sa kaibuturan ng aking puso. At iyon ay ang katotohanang minahal kita ng tapat, Kamahalan. Dapat pinigil ko ang aking sarili. Dahil kung hindi kita minahal, hindi ko sana hahangarin ang mga bagay na hinahangad ko ngayon. Hindi ko labis na kamumuhian si Lady Suk Bin. Naniniwala akong ‘yun ang isang maling bagay na nagawa ko. Kaya kung sakali mang kailangan ko ‘yung pagbayaran, gagawin ko ‘yun sa ganitong paraan. Nakikiusap ako, hatulan mo ako ng kamatayan kung ‘yun ang nais mo. At kahit masakit, huwag mong hahayaan na maging hadlang ‘yun para magawa mo ang katungkulan mo. Hindi ba ‘yun na lang ang huling bagay na magagawa mo sa akin? Kung meron mang panahon na minahal mo rin ako at pinahalagahan, kahit gaano man kaiksi ang panahong iyon, sa tingin ko tama lang na magdulot din iyon sa’yo ng kahit na kaunting sakit…

~ Lady Hee Bin Jang, Dong Yi






Pampalubag Loob

Siguro ‘yun ang tawag doon…Oo nga, marahil ‘yun na yun! Iyon na lang ang iisipin ko. Pero bakit ko ba kasi kailangang maramdaman pa ang ganoon? Hindi na dapat, hindi naman talaga dapat. Kahit gusto kong ibahagi ang labis na kaligayahan ko, hindi ko magawa. Dahil ayaw kong alisan ng kaligayahan ang ibang tao. Ayan na naman ang kapalaluan ng aking isip. Minsan nakamamatay ang mga ganitong kaisipan. Alam kong maaaring lilipas ako sa mundong ibabaw na hindi nalalaman kung ano ba talaga ang halaga ko sa’yo. Pero anong gagawin ko? Alam kong lahat ng bagay ay may tamang oras at lugar. Gusto kong hayaan na tadhana ang humatol sa ating katapusan. Ngunit batid kong tayo naman talaga ang nagtatadhana ng ating katapusan. Ang mga nangyari at mangyayari pa ay bunga ng ating mga mali at tamang pagpapasya. Tayo ang nagtatakda kung nais nating mamuhay sa kadiliman at mamatay na hindi nakikita ang liwanag…






Malalim na buntong hininga…

Kailangan ba talaga may ganoon?… Parang nalungkot naman ako, or rather sige aaminin ko napahiya naman ako sa sarili ko…nilagyan mo pa kasi… Ganyan ka ba talaga? Alam mo naman kung ano ang gusto kong marinig, malaman… Tsaka alam mo naman ang kahinaan ko, pinasama mo lang ang loob ko… Sige na…ako na ang ilusyonada,assuming, daydreamer, nagdedelusyon hmmm ano pa ba ang pwedeng itawag? Lahat na! Mapayapa na lamang ang kalooban mo! Ang hirap kasi sa’yo mapagpanggap ka! Hindi ka naman ganoon, pinipilit mo. Isinisiksik mo ang sarili mo sa isang sitwasyon na ikamamatay mo. Gayong pwede namang hindi?…Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko maintindihan. Or pwede rin na wala naman talaga akong alam tungkol sa’yo. Sabagay, ano rin nga ba ang alam mo tungkol sa akin? Siguro iisipin ko na lang na lahat ay isa lamang pagpapanggap. Kung ano man ang motibo mo noon, hindi ko na lamang iisipin. Pero iniisip ko tuloy kung ituturing kong isang magandang alaala ang mga pangyayari o isang bangungot? 

Ngayon sa mga oras na ito, naisip ko na dapat nga na manahimik na lamang ako. Pero anuman ang mangyari, di ko sinasadya. Di ko alam kung kalooban ba ng Diyos ang mga nagaganap… siguro panahon na lamang ang magsasabi… Hayaan mo, pipilitin ko na hindi ka maabala… ngayon, natitiyak kong wala naman talagang halaga na malaman mo pa ang katotohanan. 






Still stuck in that time when we called it love
But even the sun sets in paradise…





Paalam na kahapon kailangan na ako ng ngayon

Alaala mo’y ikakahon ngunit kailan ma’y hindi kayang itapon…




I am not sad

She awoke each morning with the desire to do right, to be a good and meaningful person, to be, as simple as it sounded and as impossible as it actually was, happy. And during the course of each day her heart would descend from her chest into her stomach. By early afternoon she was overcome by the feeling that nothing was right, or nothing was right for her, and by the desire to be alone. By evening she was fulfilled: alone in the magnitude of her grief, alone in her aimless guilt, alone even in her loneliness. I am not sad, she would repeat to herself over and over, I am not sad. As if she might one day convince herself. Or fool herself. Or convince others —- the only thing worse than being sad is for others to know that you are sad. I am not sad. I am not sad. Because her life had unlimited potential for happiness, insofar as it was an empty white room. She would fall asleep with her heart at the foot of her bed, like some domesticated animal that was no part of heart all. And each morning she would wake with it again in the cupbopard of her rib cage, having become a little heavier, a little weaker, but still pumping. And by midafternoon she was again overcome with the desire to be somewhere else, someone else, someone else, somewhere else. I am not sad.






You don’t forget the face of the person who was your last hope.

~Suzanne Collins, The Hunger Games






The day I left home I knew I’d broken His heart and I wondered then if things could ever the same…


Dear Lord, if ever po ba babalik ako doon… will it please you? Will you accept my heartfelt offering for my far greater love? Ganoon po pala ‘yun, ano? Lahat ng kaya mong gawin, ibibigay mo para sa taong mahal mo, mapabuti lang siya. Thank you Lord for giving your all for me… Sana magawa ko rin ang ginawa mo para sa akin… ang hirap po maging si Hosea pero mahal ko pa rin po siya… gaano man kahirap, kasakit… Pa-hug nga po ako…. :’)




Same Side Of The Moon

I’m looking out the window
Where we sat to watch the stars
There’s a chill within the air
It makes my heart long for your touch
You may be miles away
But as I kneel to pray

I see the same side of the moon
That we’ll be looking on when the world turns blue
And know that time and space
Can’t come between me and you
We share the same side of the moon
And though you’ll never see all my tears shine through
I know I can’t be that far from you
If we’re both looking on the same side of the moon.

I picture you across the oceans
In your corner of the world
I pray the wind will blow my voice
And gently whisper in your ear
Your night may be my day
And though the seasons change

It’s still the same side of the moon
That we’ll be looking on when the world turns blue
And know that time and space
Can’t come between me and you
We share the same side of the moon
And though you’ll never see all my tears shine through
I know I can’t be that far from you
If we’re both looking on the same side of the moon
I know I can’t be that far from you
If we’re both looking on the same side of the moon






“Kapag KAYO MISMO – ugali nyo, prinsipyo niyo, takbo ng isip & dmdamin nyo, mga plano niyo,

at ang MGA NASA PALIGID NYO – mga sitwasyon, pagkakataon, mga tao, mga pangyayari 

-ay tila di sumasang-ayon sa inyo at nagkakatugma-tugma para sa inyo, malinaw: hindi PA kayo ang kalooban para sa isa’-t isa, hindi PA ito ang panahon para sa inyo, o wala PA kayo sa pinaka-akmang paraan. O kaya naman, masakit man, HINDI TALAGA KAYO ANG KALOOBAN (NG DIYOS)…”





1/12 older »